Ang Panahon ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon ay nananawagan para sa ating kusang pagtitiis ng hirap para sa kapwa tao. Umaasa tayong ang ating mga panalangin, pangingilin at pagtitika ay maging paalala sa atin ng paghihirap at kamatayan ni Hesus sa krus, at nawa, sa pamamagitan din ng pagkakawang-gawang ito, tayo ay makaisa ni Hesus sa kanyang maligayang Muling Pagkabuhay.